Sa buhay ng tao ay may mga pangyayari na kung minsan ay hindi maihanap ng kasagutan, may mga tanong akong gustong mabigyang sagot.
Sa mundong kinamulatan ko, ang alam ko babae at lalake lang ang nilikha ng Diyos. Ngunit ng ako ay mamulat at magkaisip napatanong ako. Bakit may TOMBOY? Bakit may BAKLA? Bakit may pagtingin ako sa kapwa ko lalake?
Mga tanong at mga saloobin na sa MUNDO KONG KULAY ROSAS lang maihahayag.